Monday, 30 May 2016

Our First Unplanned Tagaytay Escapade 2016

This trip happened last May 27 to 28, 2016.

The initial plan was to go to Bato Spring in San Pablo, Laguna. 
But due to very crowded lane sa JAC liner, 
we decided to go to Tagaytay, instead. 
It was unplanned :) 

Habang umaandar yung bus na pa-TRECE, nagbobrowse ako online. 

Good thing may data ako!!! 
Good thing din merong http://www.booking.com/
(I booked a room 3 hours before our arrival in Tagaytay.)

Hindi na ako nag eexpect na makakakuha kami ng magandang hotel.. 
The not-so-good-thing doon ay yung malapit na ako malowbat. :( 
and the not-more-so-good-thing is almost one bar na lang natitira sa powerbank ko. 

Nakarating na kami ng CROSSING kaya bumaba na kami to take another ride going to Tagaytay.

Ang saya lang kasi di ako magkandaugaga kahahanap ng hotel, pati ng mga itenerary ahhahaha :D

FIRST STOP...
Registration Form and One unique clock in the Sala
Lobby / Sala

Nang makarating kami sa Mountain Breeze Hostel, it was very refreshing. nakakarelax din.

Kahit biglaan lang yung pagpapabook namin doon, worth yung risk :)

Nakakatuwa yung huni ng mga kulisap.

Late 11pm na kami nakarating. We had to sign a registration form kay Kuya Danny.




The area is so cosy... Parang it gives you the feeling of royal life..

Puti ang main color ng sala kaya nakakarelax.

Medyo nostalgic kasi para vintage yung mga designs..






Most of the time nasa sala kami. Picture dito, Picture doon.

But you can eat in the table near the door..

pero syempre, kalat mo, linis mo din.


Yard :) Malago ang mga damo :D
The yard is big,
It can accommodate 4 groups of at least 6 pax each.

There are 4 different table to choose.
Pwede kayo magbreakfast sa yard nila.

Maari manghingi ng mainit na kape kung meron man kayong dalang sachet ng coffee.
Maari  ding manghiram ng mga plato, kutsara't tinidor at mga baso, ngunit kailangan niyong maghugas :)


Paalaala lang, may mga langaw na magpipiesta sa mga binti ninyo :)













Pose muna ulit bago kami umakyat papuntang high way.























Isip bata :) 

Nag enjoy ako sa upuan na toh.

Kahit gaano pa ako kabigat,
Hindi ako bumagsak


Pero umiikot naman ako. :D




NEXT STOP...

Balik sa Olivarez...

Biglaang plano to go to the best bulalo in town. 

Sumakay kami ng pa-MENDEZ at bumaba sa Mahogany Ave. 

Though most people said that the best bulalo could be found in Mahogany Market in a not-so-classy place barung-barong.

Instead, we tried the Mer Ben tapsilogan as suggested by POP TALK show of Channel eleven.

We also tried fried tawilis.

Masarap yung bulalo and tawilis. Idagdag mo pa ang view ng taal lake. 

Nakakatanggal ng pagod sa ilang taon mong pagtatrabaho sa Manila.

After that, nagtanong kami kay best friend Google for other places to visit.
As usual, nasa listahan sina:

Picnic Groove
People's Park in the Sky
Bulaluhan (Bulalo Belt)
Our Lady of Manaoag at Tierra de Maria
Ina ng Laging Saklolo Church
Sky ranch
Puzzle Mansion
Mahogany Market
and etc.

NEXT STOP...



Since we've been to People's Park in Sky and picnic groove, we tried the Our lady of Manaoag at Tierra de Maria. Kalmado ng lugar. Para ngang may mga angel sa loob ng chapel. May mga kumislap kislap na ilaw. Parang pinapagaan ang bigat ng dibdib mo..




Game face on :/
Di ako nakapagpapicture doon sa kulay orange na Our lady of Manaoag..
Ang tagal kasi nung family na nagpipicture.

So move on na lang..
HAHAHHAHA :D


NEXT STOP...
Matapos ang pagiging kalmado, balik na naman kami sa Olivarez. Sumakay kami ng jeep na ALFONSO ang sign board, at bumaba sa kanto papuntang asisan, kung saan matatagpuan ang record holder na "The largest jigsaw puzzles consists of 1,028 different sets" sa Guinness Book of World Records, PUZZLE MANSION.


Kailangan munang sumakay ng tricycle papasok ng Brgy Asisan. Paalaala lang po. Ang tricycle na maghahatid sa inyo papasok sa Brgy Asisan ay siya ding maghahatid sa inyo palabas. Maghahantay ang driver sa inyo hanggang sa makalabas kayo ng PUZZLE MANSION.

Kailangan sumakay ng shuttle para makababang PUZZLE MANSION. Matarik ang daan. Para ngang nasa roller coaster ride kami eh, ANG SAYA :D

Pagdating sa PUZZLE MANSION, kailangan magbayad ng entrance fee na 100 php. At syempre, SANDAMUKAL ng puzzle piece ang makikita ninyo. MANANAWA kayo kakatingin.

Spider Man 3D puzzle and Snow White & Prince Charming 3D puzzle

Ang daming bote ng alak, iTAGAY NA YAN!

LAST STOP...
UWIAN NA.. Sumakay na lang kami ng ordinary bus pabalik ng Manila.
Kapos na sa budget eh. ahahaha :D

Kunwari expert backpackers..
kunwari lang naman... :D

Total break down of expenses:
57 php X 2 bus ride from Buendia to CROSSING in Cavite
33 php x 2 bus ride from CROSSING to OLIVAREZ
30 php tricycle ride from OLIVAREZ to MOUNTAIN BREEZE HOSTEL
1,750.00 for hotel accommodation (good for 2)
20 php tricycle ride from Hostel to Olivarez
10 php x 2 jeep ride from Olivarez to Bulalohan Belt
800 php for bulalo, friend tawilis and 4 cups of rice
10 php x 2 jeep ride back to TERMINAL, lagpas lang ng onte sa OLIVAREZ
12 php x 2jeep ride from terminal to our lady of Manaoag
12 php x 2 jeep ride back to OLIVAREZ
10 php x 2 jeep ride to Brgy Asisan
20 php x 2 tricycle ride (balikan) to puzzle mansion
10 php x 2 shuttle fee going inside the puzzle mansion
100 php x 2 entrance fee to puzzle mansion
55 php x 2 ordinary bus going to Bacoor, Cavite.


2458 pesos lahat, good for 2 person na.
Hindi po kasama dito ang packed food namin for dinner and breakfast.
MAGASTOS DIBA? nagpabalik balik kasi kami sa OLIVAREZ. UNPLANNED, ika nga. :D



REMINDER lang.
Magiging malaki ang maitutulong ng Google Maps.
Siguraduhing may data kayo na pang internet.
Huwag magplano.
Go with the flow.
Enjoy the day and the food and the ambiance.
Huwag mainit ang ulo :D
Matutong magtanong pag di ka na kaya tulungan ni Google Maps.
Siguraduhing may dala kang finger food at TUBiiiiiiiiiiiiiiG na malamig.

and BE SURE TO BE WITH YOUR BELOVED :) 


IT WAS UNPLANNED,
IBA ANG THRILL NA DALA NANG WALANG KASIGURADUHANG GALA.. 



No comments:

Post a Comment